Mambabatas, nais paigitingin ang anti-covid measures sa tourism sector

Nanawagan ang ilang mga mambabatas na palakasin pa ang mga hakbang ng gobyerno at mga local government units para malabanan ang pagdami ng COVID-19 cases partikular sa mga tourist destinations sa bansa.

Ito pa rin ay kasunod ng labis-labis na bilang ng mga turistang nagdagsaan sa isla ng Boracay nitong nagdaang Holy Week.

(Laurentiu Morariu | Unsplash)

Sa ilalim ng House Resolution No. 2552, hinimok ang mga LGUs na ilatag ang mga pamamaraan para mapanatiling buhay ang sektor ng turismo – nang hindi nasasaalang-alang ang kalusugan ng publiko.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Giit dito, bagamat ikinatutuwa nila na muli nang bumabangon ang mga negosyo at mga kabuhayan sa mga tourist spots, kailangan pa ring siguraduhin na hindi naman lolobo ang bilang ng mga COVID-19 case.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Isa umano sa mga paraan para maiwasan ito ay ang mas maigtin na roll-out ng booster shots sa mga probinsya, pati na rin ang pagsisigurong nasusunod pa rin ang mga minimum health protocols kagaya na lamang ng pagsusuot ng face masks.

Bago ito, una nang nagbabala ang Tourism Department sa LGU ng Malay, Aklan at binalaan ang mga hotels at tourist facilities na ipatatawag ito sa oras na hindi sumunod sa mga guidelines kontra COVID-19.
#