Naghahanap si AGRI party-list Representative Wilbert Lee ng isang ‘shark tank’ na istilong inisyatiba upang matulungan ang mga bagong negosyanteng Pilipino na mailabas ang kanilang mga ideya sa pagnenegosyo.
Ang ‘Shark tank’ ay isang sikat na programa sa US na nagtatampok ng mga business magnate at investors. Sa loob nito, ang mga venture capitalist ay nakikinig sa mga benta o ‘sales pitches’ ng mga negosyante at pagkatapos ay magpapasya kung mamumuhunan o hindi sa mga business proposals na ito.
Inihayag ni Lee ang kanyang programang ito sa kanyang talumpati noong Biyernes sa 36th Commencement Exercises ng SSU kung saan siya ang pangunahing tagapagsalita.
Aniya, layunin niyang bumuo ng isang grupo ng mga mamumuhunan na manghihingi ng mga panukala sa negosyo mula sa mga batang negosyante sa buong bansa, kabilang ang Sorsogon, na kanyang sariling lalawigan.
Paliwang pa nito, iikot ang kanyang bubuuhing team of investors sa buong bansa, pupuntahan ang lahat ng 82 probinsya at makikinig sa iba pang business ideas at ang mapipili ay tutulungan sa kapital at pagpapalago ng kanilang negosyo.
Si Lee ay kasalukuyang naglilingkod sa kanyang unang termino sa House of Representatives, kung saan kinakatawan niya ang sektor ng agrikultura at pangisdaan at ipinaglalaban ang mga interes at karapatan ng mga marginalized. Siya ang may-akda ng higit sa 120 panukalang batas.
Mula sa katamtamang simula sa Sorsogon, kung saan binuksan ng kanyang ama ang kanilang unang Goodluck Store 60 taon na ang nakalilipas, pinalago ni Lee ang negosyo ng kanyang ama sa LKY Group of Companies, na may mga interes sa retail, food, construction, real estate at hospitality sector.
