LEGAZPI-Bilang pag obserba ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking 2021 noong nakaraang buwan, nagbukas pa rin ang ang Malinao Treatment and Rehabilitation Center sa lalawigan ng Albay ng isang contest na maaring daluhan ng mga kabataan.
Sa nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Legazpi, nasa panahon sila ngayon ng deliberasyon ng pagpili ng mananalo.
Ang nasabing Video Advertisement- Making Contest na ang pinakatema ay patungkol sa paggamit ng droga ay binuksan sa mga High school at College Students sa lalawigan.
Samantalang sa hiwalay naman na post ng Bicol University, proud nilang ibinahagi ang isa sa estudyante nitong sumali at pinakita ang epekto ng ilegal na droga at kahalagahan ng pagsasailalim sa rehabilitasyon.
Aasahan din na sa susunod an linggo, lalabas na ang resulta ng mapipili at maaring manalo ng cash prices na, 8 thousand, 5 thousand at 3 thousand pesos.
Paglilinaw din ng Rehabilation Center na nadelay lamang ang kanilang aktibidad matapos na isailalim sa General Community Quarantine ang ilang lugar sa Albay.