Magsasagawa ng malawakang information campaign ang Metropolitan Manila Development Authority at ang mga lokal na pamahalaan para malabanan ng mpox.

Ayon sa MMDA, isa sa kanilang ikinunsidera ay ang panukala ng LGU ng San Juan na magsagawa ng town hall meeting, kung saan dadalo ang opsiyal ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan ng Department of Health para pag-usapan ang at ipabatid sa publiko ang panganib ng mpox at paano ito nakukuha.
Handa naman ang DOH na magprovide ng mga visual aid at mga kakailanganing materials para sa massive information campaign na nais ng mga Metro Mayors.
Samantala, umabot na sa 15 ang nagpositibo sa mpox sa buong bansa.