Malalakas na pag-ulan, patuloy na mararanasan sa Bicol region dahil sa LPA at Tropical Depression na nasa loob at labas ng bansa

BNFM BICOL— Patuloy na maghahatid ng malalakas na pag-ulan sa Bicol Region maging sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao ang dalawang binabantayang weather disturbances sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.

Sa isang panayam, sinabi ni Jun Pantino ng PAGASA-Catanduanes na nakataas na ang ‘yellow rainfall warning’ sa buong rehiyon kung kaya’t dapat umanong asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulang dala ng Low Pressure Area na nasa loob ng PAR.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dagdag pa ni Pantino, sakaling tuluyan namang pumasok sa PAR ang Tropical Depression na nasa silangang bahagi ng Mindanao, tatawagin aniya itong bagyong Agaton at maghahatid ng mga pag-uulan sa Silangang bahagi ng bansa kabilang ang Bicol region.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, kinumpirma naman ni Pantino na magiging maulan ang Semana Santa kung hindi mag re-recurve ang nasabing sama ng panahon at hindi ito magbabago ng direksyon.

Pinayuhan naman nito ang publiko na manatiling maging alerto at nakaantabay sa mga anunsiyo ng PAGASA sa lagay ng panahon.###