BNFM BICOL—Nakiisa ang Catanduanes Police Provincial Office sa pagbubukas ng taunang ‘KKDAT Celebration” ngayong buwan ng Abril sa islang lalawiganng Catanduanes.
Salig sa tema ng naturang selebrasyon ngayong taon na “Bikolanong KKDAT ang Solusyon sa Makabagong Panahon”, layunin ng aktibidad na mahubog ang kakayahan ng bawat mga kabataan sa probinsya tungo sa mas pinalawak na kaalaman at kamalayan hinggil sa ipinagbabawal na droga at terorismo.
Maliban dito, layon rin ng programang pag-alabin ang ‘individual sense of responsibility’ ng mga kabataan sa Youth Empowerment; Community Development at Environmental Preservation.
Ilan sa mga nakalinyang aktibidad na isasagawa ng KKDAT Catanduanes Provincial Chapter ngayong buwan, ang pagdaraos ng mga outreach programs, tree planting, clean up drive activity, symposium o information drive at marami pang iba.
Ang KKDAT o “Kabataan Kontra Droga at Terorismo” ay isang active youth organization na programa ng Philippine National Police para sa layuning mabigyan ng sapat na kaalaman ang komunidad lalo na ang mga kabataan hinggil sa masamang epekto ng idinudulot ng iligal na droga at terorismo.###