‘Makulit’ na Grade 3 Pupil, pinahanap ng private school; ina sumama ang loob

Napilitan na lumipat ng paaralan ang Grade 3 Pupil mula sa isang mababang paaralan sa Narra, Palawan isang linggo matapos ang pagbubukas ng klase.

Ito ay matapos umanong magrekomenda ang guro sa ina ng bata na humanap na ng ibang paaralan para sa 8- anyos na anak.

Ang dahilan, tila naubusan ng pasensya ang babaeng guro nito dahil sa kakulitan ng bata.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang ginawang ito ng guro ay hindi bastang matanggap ng magulang ng bata pero aminado ito na ‘may kakulitan’ ang anak.

Ipinagtataka raw ng ina kung bakit gano’n kabilis ang ginawa o sinabi para sa kanyang anak matapos na hindi mapayagan na mag-modular.

“KAYA DAPAT MAKUHA NIYO NA ANG CARD SA LALONG MADALING PANAHON PARA MAHANAPAN NIYO NA PO SIYA NG PRIVATE SCHOOL NA MAAARI PO NIYANG LIPATAN…’YUNG SA WORDS NIYA NA ‘YUN SIR, IBA ANG DATING SA’MIN, MINADALI NIYA KAMI”- INA NG BATA.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Gayunpaman, ipauubaya na lang ng ina ang usaping ito sa Division office ng Dep Ed Palawan matapos niyang mag-reklamo sa BRIGADA NEWS FM.

Ayon kay Ms. Grace Estefano, Division Information Officer, may tamang proseso sa expulsion o pag-drop ng mag-aaral pero iimbestigahan muna ang reklamong ito.