Makati Mayor Binay – pinatanggal ang ‘Gil Tulog Avenue’ signage

Nilinaw ni Makati Mayor Abby Binay na hindi dumaan sa kanyang tanggapan ang request para sa permit ng advertising campaign para palitan ang street sign na Gil Puyat Avenue sa Gil Tulog Avenue.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang binagong street sign sa lungsod na umani ng iba’t ibang reaksyon.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng alkalde, kung dumaan ito sa kaniyang opisina ay hindi niya ito aaprubahan.

Binigyang-diin naman ni Binay na dapat naging mas maingat at mabusisi ang mga opisyal ng lungsod na nag-isyu ng permit at dapat raw inisip ang kaguluhan na maaaring idulot sa mga motorista at komyuter.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Sa ngayon, naibalik na ang Gil Puyat Avenue Street sign at humingi na rin ng paumanhin ang Alkalde sa publiko at sa pamilya ni dating Senate President Gil Puyat.