Makati Mayor Binay, pinag-iisipan ang pagtakbo bilang alkalde sa Taguig City

Nagbigay ng deadline si Makati Mayor Abby Binay sa kanyang sarili hanggang katapusan ng Marso para pag-isipan kung tatakbo ba ito sa pagka-alkalde sa Taguig City.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ayon kay Binay, wala pang sign na tatakbo siya kaya’t bibigyan muna niya ng panahon ang sarili para makapag-isip.

Dagdag pa ng alkalde, maswerte siya dahil madaming options – puwede aniya siyang tumakbo sa National Government, maaari rin daw siyang mag-aral o maging full-time na asawa.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa ngayon, nakafocus ito sa kalagayan ng sampung Embo barangays na inilipat sa lungsod ng Taguig.