Makabayan Bloc, umapela sa House leadership na tapusin na ang pagdinig sa wage hike bills upang maisalang sa plenaryo sa Hulyo

Muling hinamon ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pinuno ng House Committee on Labor and Employment na tapusin na ang isinasagawang pagdinig ukol sa panukalang dagdag-sahod sa bansa.

Sa pulong balitaan ngayong araw, binigyang-diin ni House Deputy Minority Leader France Castro na wala nang dahilan para patagalin pa ang pagtalakay sa umento sa minimum wage dahil nakaka-tatlong hearing na ang komite.

Paulit-ulit at tila “rehashed” na lamang umano ang pananaw ng resource persons sa pagdinig.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Suportado naman aniya ng nakararaming kongresista ang taas-sahod kaya ipinanawagan ni Castro sa liderato ni Speaker Martin Romualdez na gawing prayoridad ang pagpasa sa panukala at isapinal na ito kahit naka-sine die adjournment.

Umapela rin sina Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel at Assistant Minority Leader Arlene Brosas na ilabas na ang committee report upang maaprubahan at maisalang sa second reading sa plenaryo pagbalik ng sesyon sa Hulyo.

Read More:  Comelec says it is 95% ready for the BSKE

Marami na anilang panukala ang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa na mabilis na dininig tulad ng economic Charter Change.

Dagdag pa ng labor groups, sawa na sila sa barya-baryang umento sa sahod na ginagawa ng Regional Wage Boards na malayung-malayo ang agwat sa kasalukuyang cost of living.

Kabilang sa mga isinusulong ang 150 pesos na legislated wage hike at 750 pesos na across-the-board increase.