Makabayan Bloc, tutol sa pagpapasok ng mga Japanese Soldier sa bansa

Tutol ang Makabayan bloc sa pagpapapasok sa mga sundalong Japanese sa Pilipinas.

Ayon kay ACT-Teachers Party List Rep. France Castro, noon pa man ay naging malinaw na ang kanilang stand pagdating sa mga kasunduan ng bansa sa mga foreign joint exercises.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Malaking bahagi umano ng kanilang pagtutol ay ang naging pag-aabuso ng mga Japanese sa mga kababaihan noong panahon ng giyera.

Maliban dito ay posible ring mas maging lapitin ng gulo ang Pilipinas sa sandaling matuloy ang mga sabayang pagsasanay.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa huli, mariing sinabi ng mambabatas na hindi sila sang-ayon na ginagamit ang mga katubigan at kalupaan ng bansa sa mga military exercises.