Makabayan bloc, nanawagan sa kapulisan na bilisan ang paghahanap sa 2 reclamation activists

Pinamamadali na ng Makabayan Bloc ang mga kapulisan sap ag iimbestigada sa nawawalang dalawang kabataang reclamation activists nahuling nakita sa bahagi ng Orion, Bataan.

Sa panyam ng Brigada kay ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro, sinabi nito na mayroon na silang hinihinalang mga tao na dumukot sa dalawang Kabataan at hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Ayon kay Castro, bago nawala ang 22 anyos na si Jhed Tamano at 21 anyos na si Jonila Castro ay nagsasagawa ito ng relief operations at consultations sa ilang kumunidad sa Bataan kung saan kaisa rin ang dalawa sa tumutulong naman sa mga naapektuhan ng reclamation projects in Manila Bay.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kaugnay nito, sinabi ng Kongreista na dapat ipakita ng PNP na minamadali nito ang imbestigasyon lalo’t nag-aalala na rin ang pamilya nina Jed at Jonila.

Una rito, nilinaw ng mga awtoridad na wala silang kinalaman pagkawala ng sinasabing mga aktibista at tiniyak ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. iimbestigahang mabuti ng ahensya ang kasong ito.