‘Via Viber’ na revision ng ‘enrolled’ MIF Bill – binatikos ng Makabayan bloc

“There is no such thing as legislation ‘via Viber’.”

Ito ang sinabi ng Makabayan bloc matapos malaman na ni-revised ng Senado, sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund Bill sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa messaging app.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Iginiit ng Makabayan na unconstitutional at maituturing na pagbabalewala sa proseso ang ginawang pagbabago sa MIF sa pamamagitan ng usapan lamang sa Viber.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ni Zubiri na ang mga correction sa MIF ay masusing napag-usapan ng majority bloc “in our Viber group.”

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Tanong tuloy ng Makabayan kung bakit napayagan ang hakbang na ito gayung hindi umano ito pinahihintulutan ng konstitusyon.

Nilagdaan ni Zubiri ang kopya ng enrolled bill sa Washington kung nasaan siya para sa official visit sa mga miyembro ng United States Congress at government agencies.