Makabagong paraan sa paggamot ng mga pasyenteng may ‘brain tumor’ ilulunsad sa BRTTH sa Albay

BNFM BICOL—Masayang ibinalita ni Academy of Filipino Neurosurgeons Inc. Vice President – Dr. Lynne Lourdes Lucena, na may makabagong pamamaraan na ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Albay upang gamutin ang mga pasyenteng may “brain tumor”.

Ayon kay Dr. Lucena, nakatakdang ilunsad sa nasabing pagamutan ang ‘Endoscopic Transnasal Transsphenoidal’ surgery – isang minimal na procedure kung saan tinatanggal ang pituitary tumor sa pamamagitan ng endoscope na ipinapasok sa ilong ng pasyente.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Taglay ng endoscope ang camera na nagiging daan upang makita ng surgeon sa computer screen ang kalagayan ng tatanggaling tumor mula sa utak ng pasyente.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Ang paggamit ng makabagong pamamaraan na ito ay malaking tulong umano sa mga Bicolano dahil hindi na kinakailangan pang lumuwas sa Maynila upang magpagamot at magpatanggal ng tumor.###