BNFM BICOL— Nasa apat na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Catanduanes batay sa pinaka latest update na inilabas ng Provincial Health Office.
Base sa tala ng tanggapan, walang naitalang mga bagong kaso ng sakit ang lalawigan kahapon, dahilan upang manatili sa 3,184 ang mga nairehistrong kaso.
Ang mga bayan na lamang ng Bato, Caramoran, Baras at Pandan ang may aktibong kaso ng sakit habang ang mga hindi naman nabanggit na bayan ay zero active case na.
Samantala, umabot na rin sa 3,049 ang kabuuang bilang ng mga gumaling o recoveries habang nananatili rin sa 131 ang bilang ng mga nasawi.###