Ibinunyag sa harap ng mga kapwa senador ni Sen. Raffy Tulfo ang reklamo ng pangangamkam ng lupain sa lalawigan ng Palawan.
Dahil dito, nais pagpaliwanagin in-aid of legislation ng mambabatas ang ma-impluwensyang sangkot aniya rito sa lalawigan ng Palawan at iba’t ibang panig ng bansa.
May target na pulitiko ang mambabatas na aniya’y nasa likod ng “rampant” na gawain sa lalawigan.
Modus raw nito na lumapit sa mga naghihikahos na magsasaka upang sa kanila’y magsangla ng lupain at pagkatapos ay magdadagdag na lang ng bayad sa kawawang magsasaka.
Para sa senador, matagal nang may impluwensya sa Palawan ang pulitikong ito kaya napapanahon na aniya na ma-sampolan ang mang-aagaw na ito.