Mahigpit na batas trapiko vs. pasaway na motorista, dapat umano ipatupad sa bayan ng Brooke’s Point

Dapat na umanong ipatupad ang mas mahigpit na batas trapiko sa mga motorista sa bayan ng Brooke’s Point, ayon kay Vice Mayor Atty. Mary Jean Feliciano.

Isa umano kasi sa dahilan ng pagdami ng aksidente sa kalsada ay kakulangan sa impormasyon o kaalaman sa tamang pagmamaneho.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

May hindi rin nakaka-alam ng batas trapiko at walang mga lisensya ang drayber.

Sa nakalipas na sesyong regular ng Sangguniang Bayan ay inihayag ng bise-alkalde na dapat simulan na ng awtoridad ang checkpoint para mapursigi ang mga walang lisensya na kumuha nito.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, sinang-ayunan ng iba pang miyembro ng Sanggunian Bayan pagdating sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko.