Mahigit ₱216k halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang lalaki sa Gumaca, Quezon

Himas-rehas ngayon ang isang lalaki matapos makumpiska mula sa tahanan nito ang mahigit ₱216,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Bamban, Gumaca, Quezon nitong Huwebes, Mayo 16.

Sa inihaing search warrant ng awtoridad sa tahanan ng suspek na si alyas “PJ”, 42-anyos, nakuha ang limang (5) sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, lighter at needle cushion.

Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.