Mahigit sa 30 malalayong Barangay sa Lagonoy, naabot ng satellite registration ng COMELEC

NAGA CITY—Umabot na sa 32 Barangay sa Lagonoy ang natapos at naabot ng satellite registration ng Commission On Election kaugnay sa nagpapatuloy na voter’s registration.

Ito ang napagalaman ng Brigada News FM Naga kay Arnel Añonuevo, Election Officer ng COMELEC Lagonoy.

Ayon kay Añonuevo, bagamat challenging o maraming hamon ang isinagawang satellite registration partikular sa North Coastal ng Lagonoy na bukod sa malayo na ay kailangan mo pang sumakay ng bangka at sumagupa sa malalaking hampas ng alon para lang makatawid.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa naturang mga Barangay ay nakapagtala sila ng mahigit sa dalawang libong registrants na maaari ng makalahok sa paparating na national at local elections.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, isa sa mga napansin ni Añonuevo sa pagpunta nila sa mga remote o malalayong Barangay ay ang hindi pagsusuot ng facemask ng mga residente. Kung kaya, isinasabay nadin aniya nila ang pamamahagi ng libreng facemask kasabay ng pagpapaalala sa kahalagahan ng pagsunod sa Minimum Health Standards laban sa banta ng COVID-19.