16,000 doses ng Sinovac, dumating sa SoCot

KORONADAL CITY — DAGDAG na 16,000 doses ng Sinovac Covid-19 vaccine ang bagong dumating sa South Cotabato.

Ang nasabing mga bakuna ay ibibigay bilang 2nd dose sa nasa 11,000 na mga residente ng lalawigan na una nang nakatanggap ng kanilang first dose simula noong Agosto 3.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Maliban dito, 5,000 na iba pa ang makakatanggap ng kanilang first dose mula sa nasabing alokasyon ng bakuna mula sa Department of Health o DOH Region-12.

Ang mga dumating na bakuna ay inilaan para sa mga senior citizens sa ilalim ng Tutok A2 initiative ng DOH gayundin sa mga adults na may comorbidities o A3 at natitirang mga health care workers o A1.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Paalala ng DOH-12 sa mga health units na gamitin ang nasabing mga bakuna sa loob ng anim na araw mula sa petsang ng pagdating nito.

📷 PIA-South Cotabato