Mahigit sa 1 million na halaga ng illegal na droga narekober sa drug buy bust operation sa Naga

NAGA CITY Timbog ang 2 suspek na sangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga sa Almeda Highway Barangay Concepcion Pequeña sa lungsod ng Naga matapos ang isinagawang Anti Illegal Drug Buy Bust Operation ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng PNP sa pangunguna ng NCPO PS2 katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V kaninang 6:30 ng umaga.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay isang 24 anyos na taga San Fernando, Camarines Sur at 28 anyos naman na residente ng Barangay San Felipe ng naturang lungsod.

Kung saan nakipagtransaksyon ang isa sa mga suspek sa operatibang nagpanggap na pouser buyer sa halagang 55,000. Nang magkaabutan, agad na pinosasan at inaresto ang mga ito. Sa pag-inspeksyon, nakuha sa posisyon ng mga ito ang 20 piraso ng suspected illegal drugs na 150 grams na nagkakahalagang 1,020,000.00.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sinabi naman ni NCPO PS2 Commander PMAJ Juvy Llunar na matagal nang binabantayan ng kanilang tauhan ang mga suspek. Patuloy din ang kampanya, operasyon kontra ipinagbabawal na gamot upang masawata ang mga nasasangkot sa naturang aktibidad.