Mahigit PHP4B halagang pondo, kinakailangan para sa permanenteng relokasyon ng mga pamilyang apektado ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Aabot sa mahigit PHP4B o PHP4.3B na halagang pondo ang kinakailangan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay para sa permanenteng relokasyon ng humigit-kumulang 8,000 mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ang mga pamilyang kinakailangang i-relocate ay yaong mga nakatira sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone na (PDZ) na laging inaabisuhang lumikas sa tuwing nag-aalburuto ang nasabing bulkan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon sa pamahalaan, bawat 75 sq/m na lupang pagtatayuan ng bahay sa bawat pamilya ay kinakailangan ng PHP647,775.

Ayon kay Albay Gov. Edcel “Grex” Lagman, paulit-ulit lamang kasi ang magiging problema ng gobyerno tuwing magkakaroon ng kalamidad kung hindi sisimulan ang mga programang mayroong pangmatagalang epekto sa kapakanan ng mga apektadong tao.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa ngayon ay mayroon nang 80 mga resettlement sites ang lalawigan, laman ang mahigit sa 12,000 relocated households para sa mga residente na nasa mga disaster prone areas.