KORONADAL CITY —UMAABOT sa P1,768,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa drug buy-bust operation ng mga otoridad, Marso 20 ng hapon sa Purok 1, Barangay Glamang, Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ng Polomolok PNP ang nahuling suspek na si Rey Caspillo, alias “Nonoy”, 36 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Bo. 3, Barangay Rizal, Banga, South Cotabato.
Ito ay hinuli matapos makipagtransaksyon sa mga otoridad ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu na umabot sa 10 gramo, kapalit ng P2,000.
Maliban dito narekober pa umano sa pag-iingat ng suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na umabot sa 250 grams.
Sa ngayon ang naturang suspek ay nananatili sa pag-iingat ng Polomolok Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
