CAMARINES NORTE- Pagkatapos ng magkakasunod na operasyon ng PNP Highway Patrol Group kung saan maraming mga motorista ang hinuli dahil sa iba’t- ibang paglabag, naglunsad naman ito ng Feeding Program na bahagi ng Barangayanihan sa iba’t- ibang terminal dito sa bayan ng Daet noong Sabado.
Aabot sa mahigit kumulang isangdaang driver ng bus, jeep at tricycle ang nabigyan ng libreng meryenda mula sa JB Terminal, Daet Central Terminal at LAGTODA.
Ayon sa HPG, kahit sa munting pagbabahagi sa mga mahihirap na indibidwal ay maramdaman ng mga ito ang pagmamalasakit ng kapulisan lalo na ngayong panahon ng pandemya.



Mahigpit namang ipinatupad ang minimum health standard sa naturang aktibidad.
Matatandaang noong mga nakaraang araw ay ilang beses ding nagsagawa ng Community Pantry ang “Guardians of the Highway” na malaking tulong hindi lang sa mga tsuper at konduktor kundi sa general public na nakinabang sa naturang gawain.
Nagpasalamat naman ito sa mga indibidwal at grupo na naging katuwang at nag ambag dahil sa pamamagitan ng pagbabahaginan ay marami ang natulungan.
Ngayong panahon ng pandemya, importante ang pagtutulungnt at malasakit upang makaagapay ang bawat isa lalo na ang mga mahihirap sa matinding pagsubok sa buhay.
(Photos: HPG)

