Mahigit isang libong miyembro ng Indigenous People’s Community sa Camarines Norte rehistrado na sa PhilSys

CAMARINES NORTE – Umaabot na sa mahigit isang libong miyembro ng Indigenous People’s Community sa Camarines Norte ang rehistrado na sa Philippine Identification System o PhilSys.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022 nasa 1,020 ang rehistrado na sa PhilSys mula sa mga bayan ng Capalonga, Labo, Paracale at Sta Elena.

Sa bilang na ito 377 ang mula sa Capalonga, 346 sa Labo, 237 sa Paracale  at 60 sa Sta Elena.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Gayunman nadagdagan pa umano ang bilang na ito ngayong 2023. Tulad na lamang sa Paracale na may nadagdag na 29 mula sa Barangay Bakal.

Natanggap na rin ng ilan sa kanila ang physical ID cards.

Ilan lamang sa mga napapakinabangan na ang national ID ay sina Jessabel Aragon at Riza Joy Estrella mga katutubo mula sa Barangay Bakal Paracale.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Anila tinunlugan sila ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP para makapagrehistro.

Nagamit na umano nila ang kanilang national ID sa pagpaparehistro sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at maging sa sim card registration.

Batay sa pinakahuling datos ng PSA Provincial Field Office umaabot na sa 471, 316 indibidwal o 90.02 % sa target na 523, 545 indibidwal edad limang taong gulang pataas ang rehistrado na sa PhilSys mula Hunyo 2021 hanggang nitong Hulyo 2023.