Mahigit dalawang libong TUPAD beneficiaries sa Pampanga, nakatanggap ng sweldo

Natanggap na nasa 2, 206 na Kapampangan ang kanilang sweldo sa ilalim ng programang TUPAD o “Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers”.

Ang mga benepisyaryo ay mga magsasaka, mangingisda, vendor at laborer mula sa bayan ng Candaba, Lubao at Magalang.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Sila ay nagtrabaho o nagsagawa ng community service sa kanilang kinabibilangang komunidad sa loob ng sampung araw.

Bawat isa sa mga ito ay mayroong sweldo na aabot sa 4, 500 pesos.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Samantala, ang nasabing programa ay mula sa Departmentr of Labor and Employment na naglalayong tulungan ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.