DA-PHILRICE Bicol, tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng RCEF ngayon buwan ng Disyembre

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng Department of Agriculture Philippine Rice Research Institute (DA-PHILRICE) ng Rice Competitivness Enhancement Fund (RCEF) sa ilang mga lalawigan sa Bicol Region.

Ayon sa tanggapan, labindalawa mula sa lalawigan ng Albay, siyam sa Sorsogon at apat sa Masbate ang inaasahang mabibigyan ng binhi ng palay sa ilalim ng RCEF.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Kabilang sa mga makakatanggap na bayan sa Albay ay ang Libon, Oas, Malinao, Ligao, Bacacay, Sto. Domingo, Camalig, Guinobatan, Daraga, Tabaco at Legazpi City.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang final schedule ng pamamahagi ng mga binhing naideliver ay nakadepende sa kanilang city o municipal agriculture office.

Mainam lamang na makipag-ugnayan sa kanila nang magabayan sa mismong araw ng seed distribution.