Mahigit 800 job seekers, lumahok sa Kalayaan Job Fair 2023

Umabot sa 811 job seekers ang nagpatala sa inilunsad na Kalayaan Job Fair 2023 ng Public Employment Service Office-Sorsogon sa pakikipagtulungan ng SM City-Sorsogon.

Sa tala ng PESO nasa 37 ang lumahok na employers habang 4,099 na trabaho ang nakalaan para sa job fair.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa bilang na 811 job seekers, 543 dito ay babae habang 268 naman ang lalaki.

Nasa 44 naman ang nahired- on- the- spot kung saan 19 ang lalaki at 25 ang babae.

Ang 72 ay inirefer sa TESDA para sa skills enhancement, 76 ang inirefer sa entrepreneurship opportunity habang ang 204 ay inirefer sa ibang kalahok na employers.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ang job fair ay naging bukas sa mga aplikante na skilled, blue collar jobs, mga newly graduates, undergraduates at mga nag-aaral pa.