Mahigit 76, 000 Cam Norteños wala pang kahit isang bakuna kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Aabot pa sa 76, 623 Cam Norteño ang wala pang kahit isang natatanggap na bakuna kontra COVID- 19.

Batay ito sa tala ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong Biyernes, December 2, 2022.

Sa bayan ng Labo nasa 19, 705 na indibidwal pa ang hindi pa bakunado, 14, 575 sa Paracale, 11, 908 sa Jose Panganiban, 9, 393 sa Sta Elena at 9, 134 sa Vinzons.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa Mercedes 7, 701 pa ang hindi bakunado, San Lorenzo Ruiz 1, 911 Basud  1, 340 Talisay 1, 306, Daet 985 at Capalonga 550.

Habang ang bayan naman ng San Vicente ay nalagpasan ang target na nasa 116. 2 percent.

Ang Daet ay nasa 98.7 percent na ng kanilang vaccination coverage, 97. 7 sa Capalonga,  95. 6 sa Basud, 93. 2 percent sa Talisay, 81. 7 percent sa San Lorenzo Ruiz at 81. 3 percent sa Mercedes.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang nalalabi pang mga bayan ay wala pang 80 percent ang vaccination coverage.

Sa December 5- 7 ay ilulunsad muli ang National Vaccination Days kung saan target na mabakunahan ang mga wala pang primary series at ang mga hindi pa nakakapagpa booster.

Magkakaroon ng Provincial Launching sa Lunes na pangungunahan ni Department of Health Assistant Secretary Nestor Santiago na siya ring incident commander ng National Vaccination Operations Center (NVOC).