Mahigit 700 na senior citizen tumanggap ng social pension

Natanggap na ng mahigit pitong daang mga senior citizen sa San Jose Del Monte, Bulacan ang kanilang social pension.

Ito ay social pension ng mga indigent senior citizen para sa ikatlong kwarter ng taon at bawat isa ay nakatanggap ng 1,500 pesos.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, nasa pitong daan at siyam ang eksaktong bilang ng mga benipisyaryong tumanggap nakalipas na Martes.

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay isang programa ng DSWD para makatulong sa pang araw-araw na gastusin at pangangailangang medikal ng mga nakatatanda na may edad 60 taong gulang at pataas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

PHOTO: DSWD CENTRAL LUZON