LEGAZPI CITY – Aabot sa 310 ang hired on the spot sa isinagawang “Trabaho sa Arangkada Banwa,”, isang job fair activity na inorganisa ng lokal na gobyerno ng Daraga sa lalawigan ng Albay.
Ayon sa Public Employment Services Office (PESO) Daraga, marami ang dumalo sa nasabing aktbidad na kung saan hindi nito akalain na marami rin ang agarang matatatanggap sa trabaho.
Ang mga na hired sa trabaho ay inaasahang magbibigay ng mga requirements sa kanilang in-apply-an na kompanya.
Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng trabaho ang mga fresh graduates maging ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, at upang mabawasan din ang unemployment sa bayan.
Nasa 25 na local employers ang dumalo sa aktibidad, 1,483 job opportunities para sa service, retail, banking, manufacturing, financial servicing at academe.