Mahigit 600 indibidwal nabakunahan kontra COVID- 19 sa tatlong magkakasunod na araw ng linggong ito

CAMARINES NORTE- Aabot sa 635 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa tatlong magkakasunod na araw ngayong linggo o mula noong Lunes hanggang Miyerkules.

Sa tala ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center, pinakamarami ang nabakunahan sa loob ng panahong nabanggit sa bayan ng Mercedes na mayroong 130 na sinusundan ng Daet na may 112.

Nakapagbakuna naman ang  Vinzons ng 107, Labo 81, Sta Elena 69, Jose Panganiban 44, Capalonga 33 at Paracale 24.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kaunti lang ang nabakunahan sa Talisay na mayroong sampu, siyam sa San Lorenzo Ruiz at walo sa San Vicente at Basud.

Dalawang brand ng bakuna ang itinurok at ito ay ang Pfizer at Sinovac.

Karamihan sa mga nagpabakuna ay booster shot.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Noong Miyerkules lang September 21 ay nakapagbakuna ng 249 indibidwal.

Sa Pfizer 70 ang nagpabakuna ng first booster, 33 sa second booster, 68 ay second dose habang ang 46 ay tumanggap pa lang first dose.

Karamihan din sa Sinovac ay first booster, may 11 second dose habang may 8 tatanggap pa lang ng first dose.