CAMARINES NORTE- Aabot sa 676 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa huling dalawang araw ng Nobyembre.
Batay ito sa tala ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center na ipinalabas kahapon, November 30.
Makikita sa datos na ang maraming nabakunahan ay sa mga bayan na kabilang sa mga nagsasagawa ngayon ng Barangayang Suyod Bakuna.
Sa Labo nasa 265 ang nabakunahan na sinusundan ng Mercedes na nasa 121.
Umaabot naman sa 84 ang nabakunahan sa Sta Elena at 42 sa Vinzons.
Nasa 34 na indibidwal naman ang nabakunahan sa Capalonga, tig 33 sa Daet at Jose Panganiban at 32 sa Paracale.
Kaunti lang ang nabakunahan sa San Lorenzo Ruiz at San Vicente na kapwa may siyam at pito naman sa Basud at Talisay.
Sa sususnod na linggo ay muling magsasagawa ang Department of Health ng National Vaccination days na target naman ang mga wala pang booster.
Gagawin ito sa December 5 hanggang 7 ng taong kasalukuyan.
