Catapang, inihayag na target ng BuCor na mapalaya ang nasa 500-700 PDLs bago matapos ang Disyembre

Target ng Bureau of Corrections (BuCor) na mapalaya ang nasa 700 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t-ibang prisons at penal farms bago matapos ang taon.

Ayon kay officer-in-charge Gregorio Catapang, na prayuridad din nila na mapalabas ang mga matatanda nang preso, sa pamamagitan ng parole o clemency.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Binigyang diin ni Catapang, na ang lahat ng penal colonies, kabilang na ang New Bilibid Prison (NBP), ay kasalukuyang “super congested.”

Samantala, ibinahagi naman nito, na nasa P300 million ang inilabas para sa mga penal colonies para sa pagpapatayo ng mga bagong gusali, na kayang mag-accommodate ng 1,000 hanggang 1,5000 PDLs.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa ibang usapin, nakatakda namang ilibing bukas ang nasa 70 pang PDLs na naipon sa isang punenarya sa Muntinlupa.