CAMARINES SUR- Umabot na sa 58, 606 ang bilang ng mga nagpa enroll para sa Academic year 2024-2025 sa Camarines Sur base sa quick count ng Department of Education Bicol.
Pero ang bilang na ito ay malayo pa sa mahigit 125,000 sa Albay, mahigit 73,000 sa Masbate at 72,000 sa Camarines Norte gayung pinaka malaking probinsya ang Camarines Sur. Paliwanag ni Atty. Salvador Pelingon, tagapagsalita ng DepEd Camarines Sur Division, marami ang sanay na ilang araw bago ang deadline ng enrollment saka lamang magpapatala.
Sinabi rin na minsan nahuhuling mag update ang mga guro sa probinsya dahil sa watak-watak coastal area. Kaillangan pang pumunta sa bayan o sa Naga upang mag-update ng databate. Gayunpaman , hinikayat nito ang mga school personnel na gawing regular ang update.
Mahalaga para sa DepEd na mapaghandaan nila ang bilang ng mga estudyante upang maging handa rin ang mga pasilidad, guro at iba pang gamit.