KINUMPIRMA ng Sorsogon City Population Office na sa nakalipas na taong 2022 ay umabot sa kabuuang 4,301 na mga mag-asawa sa lungsod ng Sorsogon ang kanilang naabot at nabigyan ng edukasyon sa tamang pagpapamilya o ang tinatawag na Resposible Parenthood and Family Planning (RPFP).
Sa panayam ng Brigada News kay City Population Officer Shiela Gumba, sinabi nito na ang naturang bilang ay indikasyon na mas marami nang mag-asawa sa ngayon ang nagkakainteres tungkol sa kaalaman pagdating sa tamang pagpapamilya kung saan umabot ito sa 118.42% mas mataas sa target nilang 3,632 bawat taon.
Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na katuwang ang mga Barangay officials ay hindi pa rin sila tumitigil sa pagbabahagi sa mga mag-asawa ng naturang kaalaman kung saan umaasa sila na susundin ng mga ito ang tamang bilang at agwat ng pag-aanak base sa inirerekomenda ng Commission on Population (POPCOM) kung saan dapat ay 2-3 anak lamang ang nararapat sa isang ordinaryong pamilyang Pilipino.
