‘Congestion problem’ sa Matnog port, malaki ang epekto sa imahe ng lalawigan

Aminado ang Provincial Tourism Culture and the Arts Office (PTCAO) Sorsogon na nagdudulot ng hindi magandang impresyon sa imahe ng lalawigan ng Sorsogon ang hindi matapos-tapos na problema sa Matnog Port tulad ng congestion o kasikipan at hindi organisadong sistema ng pantalan, bukod pa sa mga fixers at mga basurang iniiwan ng mga biyahero tuwing nagkakaroon ng kanselasyon o pagka-antala sa biyahe tuwing may sama ng panahon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa panayam ng Brigada News kay SPTCAO head Bobby Gigantone, sinabi nito na sa ngayon ay ito na ang top priority ng Provincial Government kung saan patuloy nilang pinag-aaralan ang mga maaaring maging solusyon sa naturang mga problema na halos dekada na rin ang inabot at una na nga rito ang planong pagsasailalim sa development ng Matnog Port katuwang ang Philippine Ports Authority na popondohan naman ng National Government ng halagang P550M.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

IMAGE: SPIO