Mahigit 40 katao nasawi matapos masunog ang isang residential building sa Kuwait

Patay ang 41 katao matapos masunog ang isang gusali sa Mangaf City Southern Kuwait.

Ayon kay deputy Prime Minister Sheikh Fahad Yusuf Saud Al-Sabah, karamihan sa mga residente sa naturang gusali ay mga trabahador at marami sa mga ito ay mga foreign workers

Sinisi naman ng Prime Minister ang owners ng building dahil sa mga violations nito.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.

Samantala, kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administrator Arnell Ignacio na may dalawang Pilipino ang nasugatan sa sunog sa Kuwait.

Nasa intensive care unit ang dalawang Pinoy. Nakatutok naman ang welfare officer ng Pilipinas sa Kuwait para sa pangangailangan ng mga apektado ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *