Mahigit 40 benipisyaryo ng SPES sa bayan ng San Marcelino tumanggap na ng sahod mula sa lokal na pamahalaan

Tumanggap ng payout ang 48 na mga Special Program for Employment of Students o SPES sa bayan ng San Marcelino.

Ito ay galing sa 60 percent na sahod ng mga benipisyaryo mula sa lokal na pamahalaan.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Nito lang nakalipas na Miyerkules ay ibinigay ito ng lokal na pamahalaan sa mga mag-aaral.

Ang SPES ay naglalayong mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga benepisyaryo para makatulong sa pag-aaral.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Samantala, ang 40 percent naman ay manggagaling naman sa Department of Labor and Employment.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

PHOTO: PIO San Marcelino