Mahigit 3k indibidwal sa Legazpi City naka-schedule bakunahan hanggang sa Sabado

BICOL—Nasa 3,100 na mga indibidwal sa A4 category na mayroon ng QR Code sa lungsod ng Legazpi ang naka-schedule na mabakunahan ng COVID-19 vaccine simula ngayong Miyerkules hanggang sa Sabado.

Base ito sa inilabas na schedule ng lokal na gobyerno ng lungsod kung saan first 400 na LCEIR o Legazpi COVID-19 Electronic Immunization Registry registrants ang naka-schedule ngayong Miyerkules.

First 900 bukas, gayundin sa Biyernes at Sabado at lahat ito ay naka-schedule sa Ibalong Centrum for Recreation (ICR).

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa kabila nito ay nilinaw muli ni Mayor Noel Rosal na prayoridad pa rin nila ang mga nasa A1 to A3 categories na may QR Code kahit na nga bukas na ito para sa mga nasa A4.

Maliban dito, pinapayagan din ang mga ma walk-in na mga senior citizen, buntis at persons with disabilities (PWDs).

Kailangan lang na ipresinta ng mga magpapabakuna ang kanilang QR-Coded IDs o Covax Number at katibayan ng pagkakakilanlan gaya ng senior citizen ID, employee ID na may nakalagay na office/company address at residential address o kaya naman ay certificate of residency mula sa barangay.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Samantala, inabisuhan din ng LGU ang mga naka-schedule para sa second dose ng Sputnik V sa Biyernes, Agosto 27 na ni re-schedule muna ito. Hintayin na lamang umano ang susunod na anunsyo kung kelan ito ipagpapatuloy.# || slm