Mahigit 36 milyong Pilipino, nananatiling walang National ID card

Sa kabuuang bilang ng mga Pilipinong nagparehistro para sa National ID system, mahigit kalahati na ang nakatanggap ng kanilang mga physical cards.

Ibig sabihin, 35.94 milyong Pilipino pa ang naghihintay pa rin ng kanilang mga Philippine identification (PhilID) card.

Hmigit-kumulang 50.06 milyong national IDs ang matagumpay na naihatid sa buong bansa noong Abril 12, 2024.

Inilarawan ni National Statistician at Civil Registrar General Claire Dennis S. Mapa ang matagumpay na delivery ng mga IDs bilang isang “milestone” sa PSA, matapos makaranas ng pagkaantala sa paggawa at paghahatid nito sa mga applicants.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *