Mahigit 3,000 residente sa Sta. Cruz, Laguna, nabakunahan na kontra covid-19

Umabot na sa 3,226 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A3 priority group sa banyan ng Sta. Cruz, Laguna ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Batay sa datos ng Municipal Health Office (MHO), 100 hanggang 150 doses lamang ng bakuna ang dumadating sa bayan bawat linggo mula sa pamahalaang nasyunal, kung kaya’t may kabagalan din ang pagbabakuna sa naturang bayan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Patuloy naman ang pagtaas ng mga nagpaparehistro na nais tumanggap ng bakuna laban sa nakahahawang sakit sa Sta. Cruz.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Habang naghihintay pa ang karagdagang alokasyon ng bakuna ay patuloy din sa panghihikayat ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na ugaliin pa rin ang pagsunod sa health and safety protocols.