Mahigit 30 behikulo naimpound sa operasyon ng HPG

CAMARINES NORTE- Aabot sa 33 behikulo na karamihan ay motorsiklo ang na-impound sa One time Big Time Operation Oplan Lambat Bitag Sasakyan na ginawa ng PNP Highway Patrol Group sa kahabaan ng Maharlika highway dito sa bayan ng Daet nitong huwebes

Pasado alas- 6 pa lamang ng umaga nang magsimulang magsagawa ng panghuhuli ang HPG katuwang ang Local Police at mga Traffic Enforcers

Kabilang sa mga violations ng hinuling motorista ay ang paglabag sa Seatbelt Law, No Plate, No travel Policy, hindi pagsusuot ng helmet ng mga nagmomotor at iba pang mga paglabag

Nasa 115 na Traffic Citation Tickets (TCT) ang inisyu sa mga single motor at anim sa 4 wheel vehicle

Walang motorsiklong naisyuhan ng Temporary Operators Permit pero mayroong 15 sa 4 wheel vehicle

Mas marami naman ang na-impound sa isinagawang operasyon noong nagdaang linggo sa Jose Panganiban na mayroong 43

Wala namang narekober na baril at nahuling carnapping suspect sa nabanggit na operasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *