Mahigit 30 baboy sa Sta Magdalena, isinailalim sa depopulation matapos makapagtala ng kaso ng ASF

SORSOGON CITY – Umabot na sa 39 na mga baboy ang pinatay sa pamamagitan ng electric stunning sa bayan ng Sta Magdalean, Sorsogon para mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF.

Naitala rin na halos 14 na hog raisers na pawang mga residente ng  Brgy San Roque ang naapektuhan.

Namigay naman agad ng food packs ang DSWD sa mga apektadong hog raisers.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa pahayag sa Brigada News ng alkalde ng Sta Magdalena na si Mark Jewery Lozano, sinabi nito na sa 20 blood samples ng baboy na kanilang pinadala para ma-ekasamin, tatlo dito ay nagpositibo sa ASF virus.

Bunsod nito, agad na nag-isyu ang alkalde ng dalawang EOs na nag-uutos ng pagdeklara ng quarantine zone at depopulation ng mga baboy sa loob ng 500 meter radius mula sa Sitio Hinonangan at Sitio Buntay sa Brgy San Roque bilang hakbang sa pagpigil sa pagkalat ng ASF.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Habang ang EO No. 21 naman ay nag-uutos ng muling pagsasa-ayos ng Municipal African Swine Fever-Task Force (MASF-TF) at pagpapatupad ng mahigipit na implemetasyon sa pamamahala, pagpigil at control ng ASF kasama ang paggalaw, pagbebenta at pangangalakal ng mga baboy.