Mahigit 3, 400 TB Cases nailata sa Camarines Sur

NAGA CITY- 3, 479 ang naitalang kaso ng tuberculosis sa Camarines Sur mula 2020 hanggang nitong Agosto 2021. Ito ay base sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol ngayong National Lung Month.

Pinakamatas ito sa rehiyon, pinaka malaking probinsya naman ang Camarines Sur sa Region 5.

Sa record ng World health Organization 3 sa bawat Pilipino ang namamatay dahil sa TB bawat oras. Sa lalawigan 11, 514 ang inaasahang kaso. Sa mahigit tatlong libong kaso ng naturang sakit 88.6% ang gumaling dahil sa mga programa ng Department of Health. May libreng TB testing at may libreng gamot pati consultation.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon kay  Dr. Jannish Alcala-Arellano, National Tuberculosis Program (NTP) Regional coordinator, hindi nila masasabi kung tumaas o hindi tumaas ang kaso ng TB ngayong pandemya dahil marami ang hindi nagpapacheck up. May mga ayaw magpa ospital dahil baka maging COVID umano ang findings.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sa tanong ng BNFM kung sapat ang gamot para sa TB Directly Observed Therapy Short Course, sinabi ni Arellano na kompleto pa rin ang gamot sa kabila ng pagtutok sa COVID-19.