Mahigit 2,000 bakawan itinanim ng mga empleado ng CNWD at Primewater sa bayan ng Mercedes sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month

CAMARINES NORTE- Aabot sa mahigit dalawang libong Bakawan Bato ang naitanim ng mga kawani ng Camarines Norte Water District (CNWD) at Primewater sa ginawang Tree Planting activity sa Brgy. Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte noong weekend.

Ito umano bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Environment Day 2022 na may temang “Only One Planet.”

Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ay sina General Manager Onofre Garing, Jr. at pitong  empleyado ng CNWD, kabilang din ang tatlumpu’t dalawang empleyado na mula sa PWCN na pinamumunuan ni BM Mark Anthony F. Muroda II.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Ang pakikilahok umanong ito ng PW sa aktibidad ay bahagi ng Lingap Kalikasan, na kanilang CSR activity sa ilalim ng Daloy ng Paglingap Program na may hangaring ingatan ang kapaligiran.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Layunin ng inisyatibong ito na bigyang kamalayan ang bawat isa sa pangangalaga at pagprotekta sa Inang Kalikasan.

Ayon naman sa DENR mas tumaas na ngayon ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng mga bakawan.

Patunay aniya nito ay ang pag decline ng mga insidente ng pagputol sa bakawan para gawing uling.