Mahigit 1K pasahero na walang travel permit, naharang sa border checkpoint

SORSOGON CITY- Kabuuang 1,630 ang bilang ng mga pasahero na napababa sa mga pampasaherong bus at van sa Sorsogon Boarder Checkpoint dulot ng non -compliance ng travel permits.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa Barangay Heath Worker na nakatalaga sa Brgy Guinlajon, ang kabuuhang bilang na naitala ay simula Marso ng nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa BHW, ang mga biyahero ay mula Albay papasok sa lalawigan kung saan madalas sa mga ito ay walang dalang LOE at Certificate of Employment sa kanilang pagbiyahe.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Una nang sinabi ng BHW na mahigpit na ipinatutupad sa checkpoint ang pagsusuri sa mga dokumentong dala ng bawat biyaherong papasok sa lalawigan kaya naman wala talagang napapalampas rito.

Bilang nagsisislbing gateway sa Visayas, pananatilihin ng Covid Task Force ng lalawigan maging ang PNP ang mahigpit na pagbabantay sa border checkpoints nito. Ito ay sa kabila na kahit nasa MGCQ ang lalawigan ay hindi pa rin umano titigil ang mahigpit na border checkpoint.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ito ay upang matiyakl na walang makakalusot na mga pumapasok sa lalawigan na hindi otorisadong pumasok dahil wala o kulang ang kaukulang mga dokumento.

Paglilinaw ng Pamahalaang Probinsiyal na hindi ito klase ng diskriminasyon kundi ito ay bahagi ng pag-iingat upang makaiwas sa Covid-19.