BNFM BICOL—Umabot na sa kabuuang 190,626 na mga indibidwal sa Catanduanes ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Batay sa pinaka latest na vaccine statistic report ng Provincial Health Office, as of November 25, 2021, nasa 120,766 individuals sa probinsya o 63% ng current target population ang tumanggap na ng kanilang first dose ng bakuna habang nasa 69,860 individuals naman o 36% ng current target population ang fully vaccinated na kabilang ang mga naturukan ng one shot Janssen COVID-19 vaccine.
Bunsod nito, nasa 25% na ng vaccination coverage sa kabuuang target population, ang naturukan ng bakuna sa islang probinsya.
Sa gitna nito, all set na rin ang mga RHUs sa Catanduanes para sa pagsisimula ng malawakang pagbabakuna ngayong araw kaugnay ng National Vaccination Days.
Una nang hinikayat ni DOH-Catanduanes Provincial Officer Dr. Robert John Aquino ang bawat Catandunganon, na makiisa sa isasagawang tatlong araw na COVID-19 vaccination upang mapabilis ang pag-abot ng herd immunity.
Bukas ito sa publiko kabilang ang adult population at maging ang mga batang edad 12 hanggang 17-anyos. Mangyari lamang na pumunta sa pinakamalapit na vaccination sites sainyong mga lugar, dala ang isang Valid ID, ballpen at huwag kakalimutan ang pagsusuot ng face masks.###