Mahigit 100 violation ticket inisyu sa mga motorista sa joint operation ng HPG at local traffic enforcers sa magkahiwalay na bayan

CAMARINES NORTE – Aabot sa 102 violation tickets ang inisyu sa mga motorista na lumabag sa batas sa magkahiwalay na joint operation ng Highway Patrol Group local traffic enforcers.

Ginawa ang operasyon Martes ng umaga sa kahabaan ng Maharlika Highway Barangay Pamorangon dito sa Daet at Brgy Tabugon sa Sta Elena dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kabilang sa mga violation na nakita sa mga motorista ay ang hindi pagsusuot ng seat belt, hindi paggamit ng standard helmet, walang helmet, no plate attach at iba pa.

Sa naturang operasyon ay siyam na sasakyan ang na- impound.

Ayon naman sa HPG kahit papano ay nababawasan na rin ang mga lumalabag sa batas trapiko kahit marami pa rin ang mga nahuhuli.

Paalalang muli ng Guardians of the Highway sa mga motorista na sumundo sa batas upang iwas abala at multa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *