Mahigit 100 paraalan, nagsuspinde ng klase ngayong araw dahil sa Bagyong Julian – NDRRM

Maraming paaralan ang suspendido ang klase ngayong araw dahil sa bagyong JulianPH.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 110 na mga eskwelahan ang nagsuspinde ng klase ngayong araw partikular sa Region 1 o Ilocos Region, Region 2 o Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Suspendido rin ang pasok sa mga opisina sa buong Ilocos Region, La Union at Batanes.

Samantala, dalawang kalsada partikular sa Sigay, Ilocos Sur ang hindi passable sa lahat ng uri ng sasakyan dahil sa epekto ng bagyo.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

One-lane lang din ang nadadaanan sa ngayon sa Buyacaoan, Buguias Benguet dahil nagsasagawa pa ng clearing operation sa lugar ang DPWH.